Lahat ng mga Katanungan
prev
Previous:1.49 Kailan mangyayari ang katapusan ng mundo?
next
Next:2.1 Ano ang simbahan? Sino ang nasa Simbahan?

1.50 Gaano kahalaga ang Muling Pagkabuhay?

Langit, impiyerno, o purgatoryo?

Si Hesus ay namatay at nabuhay na magmuli. Bumangon siya mula sa kamatayan at nangako na tayo rin ay mabubuhay muli. Ang muling pagkabuhay ay ang kaibuturan ng ating pananampalataya (I Corinto 15:14) I Corinto 15:14 At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya. . Sa Lumang Tipan pa lamang, ipinangako ng Diyos sa kanyang mga tao ang buhay na walang hanggan. (Ezekiel 37:5) Ezekiel 37:5 Ito ang ipinapasabi niya: Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay..

Pagkatapos ng ating kamatayan patuloy tayong mamumuhay, umaasang kasama ng Diyos. Sa katapusan ng mundo makakasama natin muli ang ating katawan. Pagkatapos nito, tunay na magsisimula ang walang hanggang kasama ang Diyos. Maliban sa mga taong pinili nang sadya at siguradong laban sa Diyos, tayo ay magiging lubos na maligaya magpasawalang hanggan kasama ang Diyos sa langit pagkatapos ng ating muling pagkabuhay. 

Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus ay ang saligan ng ating pananampalataya. Dahil si Hesus ay nabuhay mula sa kamatayan, tayo rin ay maaaring mabuhay muli upang mamuhay magpakailanman kasama ang Diyos.
Ang Dunong ng Simbahan

What is the saving meaning of the Resurrection?

The Resurrection is the climax of the Incarnation. It confirms the divinity of Christ and all the things which he did and taught. It fulfills all the divine promises made for us. Furthermore the risen Christ, the conqueror of sin and death, is the principle of our justification and our Resurrection. It procures for us now the grace of filial adoption which is a real share in the life of the only begotten Son. At the end of time he will raise up our bodies. [CCCC 131]

Ano ang nagbago sa mundo dahil sa muling pagkabuhay?

Dahil ngayon ay hindi na lahat nagtatapos sa kamatayan, dumating ang kagalakan at pag-asa sa mundo. Simula noong ang kamatayan "ay wala nang kapangyarihan" (Rom 6:9) kay Jesus, wala na rin itong kapangyarihan sa ating mga nabibilang kay Jesus. [Youcat 108]

What happens to our body and our soul after death?

After death, which is the separation of the body and the soul, the body becomes corrupt while the soul, which is immortal, goes to meet the judgment of God and awaits its reunion with the body when it will rise transformed at the time of the return of the Lord. How the resurrection of the body will come about exceeds the possibilities of our imagination and understanding. [CCCC 205]

Bakit tayo naniniwala sa muling pagkabuhay ng "laman"?

Ang biblikal na salitang "laman" ay sinasagisag ang tao sa kanyang kahinaan at mortalidad. Gayunpaman, hindi mababa ang paningin ng Diyos sa katawan ng tao. Si Jesukristo mismo ay → Nagkatawang-tao upang tubusin ang tao. Tinutubos ng Diyos hindi lamang ang kaluluwa ng tao; tinutubos Niya siya nang buo, kasama ang katawan at kaluluwa.

Nilikha tayo ng Diyos na may katawan (laman) at kaluluwa. Hindi Niya hahayaang mahulog ang "laman," sa katunayan, ang buong sangnilikha, sa katapusan ng mundo. Sa "huling araw" muli niya tayong bubuhayin sa ating laman, ibig sabihin, tayo ay magbabago, ngunit magiging kumportable tayo. Kahit para kay Jesus ay hindi naging isang isyu ang pagkakaroon ng katawang-tao. Noong ipinakita Niya ang Kanyang sarili, nakita ng mga alagad ang mga sugat ng Kanyang katawan. [Youcat 153]

Ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo?

Sa kamatayan ay nahihiwalay sa isa't-isa ang katawan at kaluluwa. Ang katawan ay nabubulok, habang ang kaluluwa ay tumutungo sa Diyos at nag-aantay na muling maging kaisa sa kanyang muling nabuhay na katawan sa Araw ng Paghuhukom.

Ang paano ng muling pagkabuhay ng ating katawan ay isang misteryo. Maaari tayong matulungan ng isang larawan na tanggapin ito: kung titingnan ang bumbilya ng isang tulip, hindi natin alam kung anong gandang bulaklak siyang tutubo sa madilim na lupa. Sa gayong paraan ay hindi rin natin alam ang tungkol sa hinaharap na hitsura ng ating bagong katawan. Gayunpaman, siguardo si Pablo: "Bubuhaying maluwalhati ang inilibing na parang basura" (1 Cor 15:43a). [Youcat 154]

Ano ang ibig sabihin ng "kasamahan ng mga banal"?

Nabibilang sa "kasamahan ng mga banal" ang lahat ng taong inilagay ang kanilang pag-asa kay Kristo at nabibilang na sa kanya sa pamamagitan ng binyag, sila may ay patay na o buhay pa. Kahit na tayo'y isang katawan kay Kristo, nabubuhay tayo sa isang komunidad na sakop ang langit at lupa.

Ang Simbahan ay mas malaki at mas masigla kaysa sa iniisip natin. Nabibilang sa kanya ang mga buhay at mga patay, sila man ay nasa proseso pa ng paglilinis sa purgatoryo o nasa kaluwalhatian na ng Diyos, kilala o hindi kilala, dakilang mga banal o mga taong hindi napapansin. Maaari nating tulungan ang isa't-isa kahit pagkatapos ng kamatayan. Maaari tayong manawagan sa mga santong ating kapangalan at sa mga paborito nating santo, at pati na rin sa ating mga yumaong kamag-anak na pinapipiwalaan nating nasa piling na ng Diyos. Sa kabilang dako, maaari nating matulungan ang ating mga yumaong nasa proseso pa ng paglilinis sa purgatoryo sa pamamagitan ng ating panalangin para sa kanila. Ang anumang ginagawa o pinagdurusahan ng isang indibidwal sa pamamagitan ni Kristo at para kay Kristo, ay para sa kapakinabangan ng lahat. Ngunit sa kasamaang palad, ibig din nitong sabihin na napipinsala ng bawat kasalanan ang komunidad. [Youcat 146]

Ito ang sinasabi ng mga Ama ng Simbahan

Pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ... magkakaroon ng dalawang kaharian, bawat isa ay may kani-kanilang natatanging mga hangganan, ang isa kay Cristo, ang isa ay ng demonyo; ang isa ay binubuo ng mabuti, ang isa ay hindi mabuti - subalit ang dalawang ito ay binubuo ng mga anghel at tao. Ang nauna ay walang pagnanais na magkasala, ang huli ay walang kapangyarihan, at hindi magkakaroon ng anumang kapangyarihang pumili ng kamatayan, ngunit ang nauna ay mabubuhay nang totoo at maligaya sa buhay na walang hanggan. [St. Augustine, On Faith, Hope and Love (Enchiridion), Chap. 29, 111 (ML 40, 284)]