
1.46 Ano ang hitsura ng impiyerno?
Kung ang isang tao ay malayang mapipili ang Diyos dapat may posibilidad din na tanggihan siya, kung hindi, ang pagpili ay hindi malaya. Ang isang tao na may malay at tiyak na tinatanggihan ang Diyos at ang kanyang pag-ibig ay pinipili ang impiyerno. Sa totoo lang, hindi natin alam ang tiyak na hitsura ng impiyerno.
Alam natin na ito ay isang lugar na walang kaligayahan dahil ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan lamang kasama ang Diyos. Ang impiyerno ay puno ng sakit at pagdurusa. Mas malala pa, ang mga tao roon ay malungkot habambuhay dahil umiiral ang pagkamakasarili. Hindi mawari ang malaking kabaligtaran sa langit! Sa kabutihang palad, habang tayo ay naririto sa mundo maaari pa nating piliin na magpakita ng pagsisisi para sa ating mga kasalanan at tanggapin ang pagmamahal at pagpapatawad ng Diyos.
How are sins distinguished according to their gravity?
A distinction is made between mortal and venial sin. [CCCC 394]
When does one commit a mortal sin?
One commits a mortal sin when there are simultaneously present: grave matter, full knowledge, and deliberate consent. This sin destroys charity in us, deprives us of sanctifying grace, and, if unrepented, leads us to the eternal death of hell. It can be forgiven in the ordinary way by means of the sacraments of Baptism and of Penance or Reconciliation. [CCCC 395]
Paano mapag-iiba ang mabibigay na kasalanan (kasalanang nakamamatay) sa magaan (benyal) na mga kasalanan?
Sinisira ng mabibigat na kasalanan ang banal na lakas ng pag-ibig sa puso ng isang tao, na kung wala ito ay walang kaligayahang walang hanggan. Kaya tinatawag din itong nakamamatay na kasalanan. Pinuputol ng mabibigat na kasalanan ang ugnayan sa Diyos, habang ang kasalanang benyal ay pinabibigat lamang ang pakikitungo sa Kanya.
Pinuputol ng isang mabigat na kasalanan ang ugnayan ng tao sa Diyos. Kinakailangang ang naturang kasalanang ito'y tumutukoy sa isang makabuluhang halaga, ibig sabihin laban sa buhay o sa Diyos mismo nakatuon (halimbawa, pagpatay, pag-alipusta sa Diyos, pangangalunya, atbp.), at ito'y ginawa nang buong kaalaman at buong pagsang-ayon. Hindi ganoon kabigat ang mga kasalanang tumutukoy sa mas mababa ang kahalagahan (karangalan, katotohanan, pag-aari, atbp.), o mga kasalanang nangyari nang walang buong kaalaman ng sakop nito o walang buong pagsang-ayon. Ang naturang mga kasalanan ay ginugulo ang relasyon sa Diyos, ngunit hindi ito pinuputol. [Youcat 316]
Paano mapapalaya sa maigat na kasalanan at muling maging konektado sa Diyos?
Upang pagalingin ang pagkakawalay sa Diyos gawa ng isang mabigat na kasalanan, ang isang Kristiyanong Katoliko ay kinakailangang makipagsundo sa Diyos sa pamamagitan ng kumpisal. [Youcat 317]
How can one reconcile the existence of hell with the infinite goodness of God?
God, while desiring “all to come to repentance” (2 Peter 3:9), nevertheless has created the human person to be free and responsible; and he respects our decisions. Therefore, it is the human person who freely excludes himself from communion with God if at the moment of death he persists in mortal sin and refuses the merciful love of God. [CCCC 213]
Ano ang impiyerno?
Ang impiyerno ay ang katayuan ng walang hanggang pagkawalay sa Diyos, ang ganap na kawalan ng pag-ibig.
Ang sinumang namatay nang may kaalaman at buong kalooban sa mabigat na kasalanan, na hindi nagsisi, at magpasawalang hanggang di tinatanggap ang maawain at mapagpatawad na pag-ibig ng Diyos ay sinasarado ang kanyang sarili sa komunidad ng Diyos at ng mga banal. Kung totoo ngang may nakakakita sa ganap na pag-ibig sa sandali ng kamatayan, pero nagsasabi pa rin ng "hindi," ay hindi natin alam. Ngunit ginagawang possible ng ating kalayaan ang desisyong ito. Binabalaan tayo ni Jesus tungkol sa pagkakahiwalay natin sa Kanya nang lubusan, kung saan sinasarado natin ang ating sarili sa pangangailangan ng Kanyang mga kapatid: "Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko ... anuman ang di ninyo ginawa sa isa sa maliliit na ito, hindi niyo ginawa sa Akin." (Mt 25:41, 45) [Youcat 161]
Kung ang Diyos nga ay pag-ibig, paano magkakaroon ng isang impiyerno?
Hindi ang Diyos ang nagsusumpa sa tao. Ang tao mismo ang siyang tumatanggi sa maawaing pag-ibig ng Diyos at malayang tinatalikuran ang buhay (na walang hanggan), kung saan inilalabas niya ang kanyang sarili sa pakikiisa sa Diyos. [Youcat 162]
Mayroong isang uri ng apoy sa impyerno, ngunit hindi nito pinapahirapan ang lahat ng mga makasalanan sa parehong paraan, para sa bawat isa ay nararamdaman ang mga paghihirap na ito ayon sa kanyang antas ng pagkakasala ... Tulad ng mga kagalakan ng langit ay hindi kailanman titigil, gayon din, doon ay walang katapusan sa mga pagpapahirap ng sinumpa. [St. Gregory the Great, Dialogues, Bk. 4:43 (ML 77, 401)]