
1.26 Bakit namatay si Hesus para sa atin?
Matindi ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Kaya gusto niya na tayo’y maging lubusang masaya at mabuhay mapagkailanman kasama siya sa langit. Subalit ang ating mga kasalanan ay namamagitan sa atin at sa Diyos. Dahil sa ating mga kasalanan, kaunti lang o di kaya’y walang lugar ang Diyos sa ating buhay. Kailangan tiisin natin ang ating mga alalahanin at kalungkutan nang mag-isa dahil hindi natin pinayagan na pumasok ang Diyos sa ating buhay. Maaaring maging higit ang ating kalungkutan.
Kaya’t pinadala ng Diyos ang kayang Anak na si Hesus, na walang bahid ng kasalanan. Si Hesus ay ipinanganak na tao. Nang siya ay namatay sa krus, lahat ng pagkakasala ng tao ay namatay kasama siya. Mula sa sandaling iyon, tayo’y naging ampon ng Diyos sa pamamagitan ng Binyag. Ngayon, kailangan lamang natin tanggapin ang kapatawaran ng Diyos upang tayo’y muling lumakad kasama siya!
Why does the Church baptize infants?
The Church baptizes infants because they are born with original sin. They need to be freed from the power of the Evil One and brought into that realm of freedom which belongs to the children of God. [CCCC 258]
Bakit pinanghahawakan ng Simbahan ang gawi ng pagbibinyag sa mga sanggol?
Mula pa noong sinaunang panahon, pinanghahawakan na ng Simbahan ang gawi ng pagbibinyag sa mga sanggol. Mayroong iisang dahilan para rito: bago tayo magdesisyon para sa Diyos ay nagdesisyon na ang Diyos para sa atin. Kaya ang binyag ay isang biyaya, isang hindi karapat-dapat na kaloob ng Diyos, na tumatanggap sa atin nang walang kondisyon. Ang mga magulang na naniniwala, na ninanais ang pinakamaayos para sa kanilang anak, ay nais din ang binyag, kung saan ang bata ay inaalis mula sa impluwensiya ng minanang kasalanan at sa kapangyarihan ng kamatayan.
Ipinapalagay ng binyag sa mga sanggol na ang magulang na mga Kristiyano ay palalakihin sa pananampalataya ang sanggol na bininyagan. Hindi tama na ipagkait sa bata ang binyag dahil sa maling pagkakaintinding liberalidad. Kung paanong hindi maipagkakait sa isang bata ang pag-ibig, upang sa hinaharap ay makapagdesisyon siya mismo para sa pag-ibig, hindi rin naman magiging tama kapag ang mananampalatayang mga magulang ay ipagkakait sa kanilang anak ang biyaya ng Diyos sa binyag. Kung paanong ang bawat tao ay ipinanganak nang may kakayahang makapagsalita, ngunit kailangan niyang matutunan ang wika, gayon din ang bawat tao ipinanganak na may kakayahang manampalataya, ngunit dapat niyang matutunan ang pananampalataya. Gayunpaman, ang pagbibinyag ay hindi maaaring ipataw kaninuman. Kapag natanggap ng isang tao ang binyag noong siya’y sanggol, kinakailangan niya itong “pagtibayin” sa ibang pagkakataon sa kanyang buhay, ibig sabihin, kinakailangan niyang magsabi ng Oo sa tinanggap na binyag upang magbunga ito. [Youcat 197]
What is the full and definitive stage of God's Revelation?
The full and definitive stage of God’s revelation is accomplished in his Word made flesh, Jesus Christ, the mediator and fullness of Revelation. He, being the only-begotten Son of God made man, is the perfect and definitive Word of the Father. In the sending of the Son and the gift of the Spirit, Revelation is now fully complete, although the faith of the Church must gradually grasp its full significance over the course of centuries. “In giving us his Son, his only and definitive Word, God spoke everything to us at once in this sole Word, and he has no more to say.” (Saint John of the Cross) [CCCC 9]
What is the value of private revelations?
While not belonging to the deposit of faith, private revelations may help a person to live the faith as long as they lead us to Christ. The Magisterium of the Church, which has the duty of evaluating such private revelations, cannot accept those which claim to surpass or correct that definitive Revelation which is Christ. [CCCC 10]
Ano ang ipinakita ng Diyos tungkol sa Kanyang sarili noong ipinadala Niya sa atin ang Kanyang anak?
Ipinakita ng Diyos sa atin kay Jesukristo ang buong kalaliman ng Kanyang maawaing pag-ibig.
Sa pamamagitan ni Jesukristo, nakita ang hindi nakikitang Diyos. Siya ay naging tao tulad natin. Ipinapakita nito kung gaano kalawak ang nararating ng pag-ibig ng Diyos—Kanyang dinala ang ating buong pasanin. Sinasamahan Niya tayo sa lahat ng ating mga daan. Naririyan Siya sa ating pangungulila, sa ating paghihirap, sa ating takot sa harap ng kamatayan. Naririyan Siya kung saan hindi na natin kayang magpatuloy, upang buksan para sa atin ang pinto patungo sa buhay. [Youcat 9]
Nasabi na bang lahat kay Jesukristo o magpapatuloy pa rin ba ang pahayag pagkatapos Niya?
Ang Diyos mismo ang dumating sa mundo kay Jesukristo. Siya ang huling salita ng Diyos. Sa pakikinig sa Kanya ay maaaring malaman ng lahat ng tao sa lahat ng panahon kung sino ang Diyos at kung ano ang kinakailangan sa kanilang kaligtasan.
Sa Ebanghelyo ni Jesukristo ay ganap at kumpleto na ang → Pagbubunyag ng Diyos. Upang maliwanagan tayo nito, mas malalim tayong ginagabayan ng Espiritu Santo sa katotohanan. Sa buhay ng ilang tao ay napakalakas na pumasok ang ilaw ng Diyos na nakikita nilang “bukas ang kalangitan” (Gawa 7:56). Ganito rin ang pinagmulan ng mga dakilang lugar na pinaglalakbayan gaya ng Guadalupe sa Mexico o ng Lourdes sa Pransya. Hindi maaaring mapabuti ng mga “pribadong pahayag” ng mga bisyonero ang Ebanghelyo ni Jesukristo. Ang mga ito ay karaniwang hindi obligadong paniwalaan. Ngunit maaari tayo nitong tulungan na mas makaintindi. Ang katotohanan ng mga ito ay sinusuri ng → Simbahan. [Youcat 10]
What are the results of the sacrifice of Christ on the cross?
Jesus freely offered his life as an expiatory sacrifice, that is, he made reparation for our sins with the full obedience of his love unto death. This love “to the end” (John 13:1) of the Son of God reconciled all of humanity with the Father. The paschal sacrifice of Christ, therefore, redeems humanity in a way that is unique, perfect, and definitive; and it opens up for them communion with God. [CCCC 122]
Sa lahat ng bagay bakit sa krus pa tayo kinailangang tubusin ni Jesus?
Ang krus kung saan ang walang kasalanang si Jesus ay malupit na ipinapatay ay ang lugar ng labis na kahihiyan at pag-abanduna. Si Kristo na ating tagapagligtas ay pinili ang krus upang pasanin ang kasalanan ng sanlibutan at batahin ang pagdurusa ng mundo. Kaya Kanyang inuwi ang mundong ito sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang perpektong pag-ibig.
Wala nang mas hihigit pang ibang paraan na maipakita sa atin ng Diyos ang Kanyang pagmamahal kaysa sa payagan ang Kanyang sarili sa katauhan ng Kanyang anak na mapako sa krus. Noong sinaunang panahon, ang krus ang pinaka-kahiya-hiya at pinakamalupit na paraan ng pagpatay. Ang mga Romanong mamamayan ay hindi maaaring ipapapako sa krus, maging ano pa man ang kanilang kasalanan. Sa pamamagitan nito ay pinasok ng Diyos ang pinakamalalim na paghihirap ng sangkatauhan. Simula noon ay walang sinuman ang makapagsasabing, “Hindi alam ng Diyos kung ano ang aking paghihirap.” [Youcat 101]
Si Jesucristo, ang Anak ng Diyos ... na gumawa sa pamamagitan ng pagdurusa ay nakipagkasundo sa atin sa Diyos, at nabuhay mula sa mga patay; na nasa kanang kamay ng Ama, at sakdal sa lahat ng mga bagay ... Sapagkat siya mismo ang nagdala ng kaligtasan: sapagka't siya mismo ang Salita ng Diyos, siya ring Bugtong ng Ama, si Cristo Jesus na ating Panginoon. [St. Irenaeus, Against Heresies, Bk. 3, Chap. 16 (MG 7, 928)]