Lahat ng mga Katanungan
prev
Previous:1.27 Ano ang Tipan? At ano ang plano ng kaligtasan ng Diyos?
next
Next:1.29 Hindi ba’t si Hesus ay isang mabait na tao at matalinong guru lamang?

1.28 Bakit kailangang mamatay si Hesus sa nakapangingilabot na paraan?

Ano ang nagawa ni Hesus para sa atin?

Namatay si Hesus sa kakila-kilabot, masakit, at malupit na pamamaraan sa krus. Datapwat, siya ang Anak ng Diyos; sa kabilang dako, siya ay naghirap bilang tao at nakaranas ng sakit at takot. Sa pamamagitan ng paghihirap at kamatayan, si Hesus ang tumubos sa atin mula sa kamatayan at nagtamo ng kapatawaran para sa lahat ng kasalanan

Sa nakapangingilabot niyang kamatayan, pinatunayan ni Hesus na siya ay tunay na nagsalita sa ngalan ng Diyos Ama, at pinatunayan ito ng Diyos sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli ni Hesus. Sa kanyang buhay, ipinakita ni Hesus ang pag-ibig niya sa mga tao. Ipinakita niya ang pag-ibig niya lalo na sa krus, kung saan inako niya lahat ng ating mga kasalanan. (Mga Hebreo 9:28) Mga Hebreo 9:28 Siya'y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya.

Sa pamamagitan ng pagdusa at pagkamatay alang-alang sa atin, ipinagkasundo tayo ni Hesus sa Diyos. Sinira niya ang kasalanan upang mabuhay tayo nang walang hanggan.
Ang Dunong ng Simbahan

What are the results of the sacrifice of Christ on the cross?

Jesus freely offered his life as an expiatory sacrifice, that is, he made reparation for our sins with the full obedience of his love unto death. This love “to the end” (John 13:1) of the Son of God reconciled all of humanity with the Father. The paschal sacrifice of Christ, therefore, redeems humanity in a way that is unique, perfect, and definitive; and it opens up for them communion with God. [CCCC 122]

Sa lahat ng bagay bakit sa krus pa tayo kinailangang tubusin ni Jesus?

Ang krus kung saan ang walang kasalanang si Jesus ay malupit na ipinapatay ay ang lugar ng labis na kahihiyan at pag-abanduna. Si Kristo na ating tagapagligtas ay pinili ang krus upang pasanin ang kasalanan ng sanlibutan at batahin ang pagdurusa ng mundo. Kaya Kanyang inuwi ang mundong ito sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang perpektong pag-ibig.

Wala nang mas hihigit pang ibang paraan na maipakita sa atin ng Diyos ang Kanyang pagmamahal kaysa sa payagan ang Kanyang sarili sa katauhan ng Kanyang anak na mapako sa krus. Noong sinaunang panahon, ang krus ang pinaka-kahiya-hiya at pinakamalupit na paraan ng pagpatay. Ang mga Romanong mamamayan ay hindi maaaring ipapapako sa krus, maging ano pa man ang kanilang kasalanan. Sa pamamagitan nito ay pinasok ng Diyos ang pinakamalalim na paghihirap ng sangkatauhan. Simula noon ay walang sinuman ang makapagsasabing, “Hindi alam ng Diyos kung ano ang aking paghihirap.” [Youcat 101]

Why does Jesus call upon his disciples to take up their cross?

By calling his disciples to take up their cross and follow him Jesus desires to associate with his redeeming sacrifice those who are to be its first beneficiaries. [CCCC 123]

Bakit kinakailangan din nating tanggapin ang mga paghihirap sa ating buhay, “pasanin natin ang krus” at sa gayon sundan si Jesus?

Hindi dapat hanapin ng mga Kristiyano ang paghihirap, ngunit kung saan sila ang hinaharap ng hindi maiiwasang paghihirap, maaari itong maging makahulugan para sa kanila kapag pinag-isa nila ang kanilang paghihirap sa paghihirap ni Kristo: “Ito ang bokasyon ninyo; alalahanin na nagtiis si Kristo alang-alang sa inyo. Nagbigay Siya ng halimbawa sa inyo at dapat ninyong sundin ang Kanyang mga hakbang” (1 P 2:21).

Sinabi ni Jesus: “Kung may gustong sumunod sa Akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa Akin” (Mc 8:34). May atas ang mga Kristiyano na pagaanin ang paghihirap sa mundo. Gayunpaman, magpapatuloy ang paghihirap. Maaari nating tanggapin ang ating paghihirap nang may pananampalataya at makibahagi sa paghihirap ng iba. Sa ganitong paraan ang paghihirap ng tao ay magiging kaisa ng mapagtubos na pag-ibig ni Kristo at sa gayon ay bahagi ng banal na kapangyarihan na binabago ang mundo para sa kabutihan. [Youcat 102]

Ano ang ibig sabihin na si Jesus ay “iisang anak ng Diyos”?

Kapag si Jesus mismo ay tinuturing ang Kanyang sarili na “iisang anak ng Diyos” (bugtong na anak, Jn 3:16) at siyang sinasaksihan ni Pedro at ng iba pa, mula rito’y maipapahayag na sa lahat ng tao ay si Jesus lamang ang higit pa sa isang tao.

Sa maraming lugar sa → Bagong Tipan (ilan sa mga ito: Jn 1:14, 18; 1 Jn 4:9; Heb 11:7) ay tinatawag na “Anak” si Jesus. Sa Binyag at sa pagbabagong-anyo, hinirang si Jesus ng tinig mula sa langit na “pinakamamahal na Anak.” Ipinahayag ni Jesus sa Kanyang mga alagad ang Kanyang natatanging relasyon sa Ama sa langit: “Ipinagkatiwala sa Akin ng Aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ng Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.” (Mt 11:27). Noong muling pagkabuhay ay napasaliwanag na si Jesukristo ang tunay na Anak ng Diyos.
[Youcat 74]

Ito ang sinasabi ng mga Ama ng Simbahan

Magtiyaga tayo sa pamamagitan ng ating pag-asa at sa garantiya ng ating katuwiran, na si Hesu-Kristo, na nagdala ng ating mga kasalanan sa kanyang sariling katawan sa puno [ng Krus] (I Ped. 2:24), na hindi nagkasala, ni ay natagpuan ang pandaraya sa kanyang bibig (I Ped. 2:22); ngunit para sa ating kapakanan, upang mabuhay tayo sa kanya, tiniis niya ang lahat ng mga bagay. [St. Polycarp, Letter to the Philippians, Chap. 8:1 (MG 5, 1012)]