Lahat ng mga Katanungan
prev
Previous:1.43 Ano ang mangyayari kapag tayo ay namatay?
next
Next:1.45 O, Langit! Ano kaya ang pakiramdam ng buhay na walang hanggan?

1.44 Hahatulan ba tayo kaagad pagkatapos nating mamatay?

Langit, impiyerno, o purgatoryo?

Sa ating buhay lagi tayong may pagkakataon na piliin ang Diyos at ang kanyang pag-ibig. Pagkatapos ng ating kamatayan, ang bawat isa sa atin ay hahatulan agad batay sa ating ginawa o hindi ginawa.

Kung pinili natin ang Diyos sa ating buhay, pupunta tayo sa langit, posibleng sa pamamagitan ng purgatoryo. Pinipili ng isang tao na sinadyang tumanggi sa pag-ibig ng Diyos sa kanyang buhay ang impiyerno. Hindi kailangang matakot ng mga taong ginagawa ang kanilang makakaya upang mabuhay bilang mga Kristiyano at mahalin ang Diyos at kanilang kapwa sa paghatol. Nais ng Diyos na ang lahat ay makapunta sa langit.

Pagkatapos nating mamatay, haharapin tayo ng Diyos tungkol sa ating mga pinili. Ang mga tumanggi sa pag-ibig at awa ng Diyos ay pupunta sa impiyerno. Ang mga tumatanggap sa Diyos ay pupunta sa langit.
Ang Dunong ng Simbahan

Hahatulan ba tayo sa oras ng ating kamatayan?

Ang tinatawag na espesyal o kaya'y personal na paghuhukom ay nagaganap sa sandali ng kamatayan ng bawat tao. Ang pangkalahatang paghuhukom, na tinatawag ring panghuling paghuhukom, ay patungkol sa Huling Araw, ibig sabihin sa katapusan ng mundo, sa muling pagbabalik ng Panginoon.

Sa kamatayan, ang bawat tao ay dumarating sa punto ng katotohanan. Sa oras na iyon ay wala nang napipigilan at naitatago, wala na ring maaaring ibahin. Nakikita tayo ng Diyos kung ano tayo. Pumapasok tayo sa Kanyang paghuhukom, sa Kanyang pagtatama, dahil sa banal na presensya ng Diyos, maaari lamang tayong maging "tama" - kasing tama, gaya ng nais ng Diyos noong tayo'y Kanyang nilikha - o talagang hindi. Marahil ay dapat muna nating pagdaanan ang isang proseso ng paglilinis sa purgatoryo, marahil ay maaari na kaagad tayong mayakap ng Diyos. Ngunit maaaring puno tayo ng kasamaan, poot, puno ng pagtanggi sa lahat, na palagi nating tinatalikuran ang pag-ibig, ang Diyos. Gayunpaman ang isang buhay na walang pag-ibig ay walang iba kundi impiyerno. [Youcat 157]

Ano ang impiyerno?

Ang impiyerno ay ang katayuan ng walang hanggang pagkawalay sa Diyos, ang ganap na kawalan ng pag-ibig.

Ang sinumang namatay nang may kaalaman at buong kalooban sa mabigat na kasalanan, na hindi nagsisi, at magpasawalang hanggang di tinatanggap ang maawain at mapagpatawad na pag-ibig ng Diyos ay sinasarado ang kanyang sarili sa komunidad ng Diyos at ng mga banal. Kung totoo ngang may nakakakita sa ganap na pag-ibig sa sandali ng kamatayan, pero nagsasabi pa rin ng "hindi," ay hindi natin alam. Ngunit ginagawang possible ng ating kalayaan ang desisyong ito. Binabalaan tayo ni Jesus tungkol sa pagkakahiwalay natin sa Kanya nang lubusan, kung saan sinasarado natin ang ating sarili sa pangangailangan ng Kanyang mga kapatid: "Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko ... anuman ang di ninyo ginawa sa isa sa maliliit na ito, hindi niyo ginawa sa Akin." (Mt 25:41, 45) [Youcat 161]

How can one reconcile the existence of hell with the infinite goodness of God?

God, while desiring “all to come to repentance” (2 Peter 3:9), nevertheless has created the human person to be free and responsible; and he respects our decisions. Therefore, it is the human person who freely excludes himself from communion with God if at the moment of death he persists in mortal sin and refuses the merciful love of God. [CCCC 213]

Ano ang Huling Paghuhukom?

Ang Huling → Paghuhukom ay magaganap sa wakas ng panahon, sa muling pagbabalik ni Kristo. "Sa pagbangon sa buhay ang mga gumawa ng mabuti, at sa pagbangon naman sa kapahamakan ang mga gumawa ng masama" (Jn 5:29).

Kapag muling nagbalik si Kristo sa kaluwalhatian, ang Kanyang buong liwanag ay mapapasaatin. Ang katotohanan ay hayagang mabubunyag: ang atimg nga iniisip, ang ating mga gawa, ang ating pakikitungo sa Diyos at sa tao - wala nang maililihim pa. Malalaman nating lahat ang mga magagandang paraan ng Diyos para sa ating kaligtasan at sa wakas ay makakatanggap ng sagot kung bakit kinakailangang maging makapangyarihan ang kasamaan, samantalang ang Diyos naman talaga ang tunay na Makapangyarihan. Ang Huling Paghuhukom ang siya ring huling paghatol para sa atin. Dito nadedesisyunan kung tayo ay babangon sa buhay na walang hanggan o panghabangbuhay na mawawalay sa Diyos. Para doon sa mga pinili ang buhay, ang Diyos ay muling mapaglikhang kikilos. Mabubuhay sila sa kaluwalhatian ng Diyos sa isang "bagong katawan" (tingnan ang 2 Cor 5) at pupurihin Siya katawan at kaluluwa. [Youcat 163]

When will this judgment occur?

This judgment will come at the end of the world and only God knows the day and the hour. [CCCC 215]

Ito ang sinasabi ng mga Ama ng Simbahan

Ang lahat ng mga kaluluwa, pag lumisan sa mundong ito, ay may iba't ibang mga pagtanggap. Ang mabubuti ay may kagalakan; ang mga masasama pagpapahirap. Ngunit kapag naganap ang pagkabuhay na mag-uli, kapwa ang kagalakan ng mabuti ay magiging ganap, at ang mga pahirap ng masasama ay mas bibigat, kapag sila ay pinahihirapan sa katawan ... Para sa iba, na ibinigay kaagad pagkatapos ng kamatayan, bawat isa, kung karapat-dapat dito, tumatanggap kapag siya ay namatay. [St. Augustine, On the Gospel of St. John 49:10 (ML 35, 1751)]