
3.57 Ang “Christmas tree” ba ay simbolo ng Kristiyanismo? ganoon din ba tsokolate, halaman ng “mistletoe” at “Santa Claus”?
Ang Panahon ng Pagsapit at ang Kapaskuhan ay puno ng mga simbolo at tradisyon, na makakatulong sa atin sa paghahanda para sa pagdating ni Hesus.Ang mga luntiang sanga ng “Christmas tree” ay nagpapakita ng masaganang buhay na dala ni Hesus. Ang nakagawiang pagpapaganda ng “Christmas tree” ay naging bahagi na ng pagpapakita nang Panahon ng Pagdating ni Hesus sa mundo, daladala ang kaliwanagan at kasayahan ng kapanahunang iyon.
Ang talaarawan ng panahon ng pagsapit ni Hesus ay nagmula sa mga bansang German at kasama natin sa 24 araw bago sumapit ang Araw ng Pasko ( minsan kasama ang mga tsokolate).
Ang kaugalian ng paghalik sa ilalim ng “mistletoe” ay naging bahagi ng selebrasyon ng Pasko [>3.58], subalit wala itong tiyak na kaugnayan sa kapanganakan ni Kristo.
Si Santa “Claus” ay may Kristiyanong pinagmulan, dahil siya ay nakabatay sa “Saint Nicholas of Myra”[8.36], kilala sa kanyang mga gawaing kawanggawa [>6.2]. Mga migranteng “Dutch” ang nagdala ng kaugaliang ito sa America, kung saan ito naging
kabahagi ng Kapaskuhan.