3.56 Paano ako matutulungan sa aking paghahanda para sa pagsapit ng pagsilang ni Hesus sa Pasko?

The liturgical year

Ang salitang “advento” ay nagmula sa salitang Latin na adventus, na ang kahulugan ay ang pagdating ni Hesus. Sa Bibliya, mababasa natin ang mga tungkol sa maraming tao na naghihintay sa isang taong namumukod-tangi na darating at magliligtas sa kanila. Inaasahan nila ang pagdating ng taong ito sa paraan na makikita ang lubos na makapangyarihang pamamaraan.  Subalit, nakakagulat na ang taong iyon ay dumating bilang isang sanggol na mahirap lamang ang katayuan sa buhay at inakalang  may kahinaan. Ang Diyos ay malimit na gumawa sa pamamagitan ng nakakagulat na mga pamamaraan, tulad ng pagsilang ni Hesus. Kung tayo ay magtitiwala sa Kanyang mga kapamaraanan [>8.20], tayo ay hindi kailanman mabibigo.

Sa panahon ng Advento, tayo ay nakamatyag sa pagdating ni Hesus sa tatlong pamamaraan: ang kanyang pagsilang sa lupa, at sa kanyang pagbabalik para sa kinabukasan,at ang kanyang mithiin na siya ay mamalagi sa ating buhay ngayong panahon. Ang panahon ng pagsapit ng Pasko ay panahon ng paghahanda para sa kanyang pagdating, hindi lamang alalahanin ang nakaraang panahon o darating na bukas, kundi sa pamamagitan ng pagtanggap kay Hesus sa ating mga puso. Iba’t-ibang tradisyon sa pagsapit ng Kapaskuhan ay may pagnanais na makatulong sa iyo upang ikaw ay magkaroon ng maayos na laman ng kaisipan.

Tuwing kapanahunan ng tinatawag na Pagsapit ng pagdating ni Hesus, ating inaasahan ang kanyang pagdating sa katapusan ng panahon at ang kanyang pagkasilang dito sa mundo.