
3.58 Ang Disyembre 25 ba ay kapanganakan ni Hesus? Hindi ko ba pwedeng ipagdiwang ang Pasko ng wala siya? Bakit kailangan ang mga kandila?
Sa Bibliya ay walang nakasaad na tanging araw para sa kapanganakan ni Hesus. Noong mga unang siglo, ang Pasko ay hindi masyadong ipinagdiwang tulad ng Paskong Pagkabuhay. Ang mga unang iskolar ay napag-pasyahan na ang mundo ay nilikha noong Marso 25 at si Hesus ay namatay noon Marso 25. Habang hindi malinaw kung paano sila nakapag-buo ng ganitong pasya, ang Marso 25 ay sinimulang ipagdiwang ang balita ng paglilihi ni Maria kay Hesus. Makaraan ang siyam na buwan ay ating ipinagdiriwang ang Kapanganakan ni Hesus.
Ang salitang “Christmas” mismo ay naglalaman ng pangalan ni Kristo Hesus: Misa kay Kristo ay ang pagdiriwang ng ‘Eukaristiya” kapanganakan ni Hesus na may sagradong Misa, ayon sa kaugalian ay sa hatinggabi. Kristmas at si Kristo-Hesus ay likas na may kaugnayan kung kaya ang mga ito ay hindi mapaghihiwalay sa isa’t isa.
Sa hilagang panig ng mundo, ang Kapaskuhan ay pinaka-madilim na panahon ng taon. Merong lumang kaugalian ng Pagsapit ng Kapanganakan ni Hesus na gumigising ng maaga upang ipagdiwang ang Gintong Misa, na laging idinaraos sa simbahan na naliliwanagan ng kandila lamang. Ang mga kandila ay nagbibigay liwanag tulad ng pagbibigay ni sa pagdating ni Hesus sa ating buhay [>7.5].