Lahat ng mga Katanungan
prev
Previous:1.47 Dapat ba akong matakot sa purgatoryo?
next
Next:1.49 Kailan mangyayari ang katapusan ng mundo?

1.48 Makikita ko ba ng aking alagang hayop sa langit?

Langit, impiyerno, o purgatoryo?

Ipinagkatiwala ng Diyos ang mga hayop sa pangangalaga ng tao (Gen. 2:19-20) Gen. 2:19-20 Kaya, mula sa lupa ay lumikha ang Panginoong Yahweh ng mga hayop sa parang at mga ibon sa himpapawid, dinala niya ang mga ito sa tao upang ipaubaya rito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itinawag, iyon ang naging pangalan ng mga ito. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon sa himpapawid at hayop sa parang. Ngunit wala isa man sa mga ito ang nababagay na makasama at makatulong niya.. Si San Francisco ay isang dakilang halimbawa kung paano natin mamahalin nang hindi lumalabis ang mga hayop. Kung minsan tayo ay nagkakaroon ng mahusay na kaugnayan sa isang hayop.

Malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng mga tao at hayop, tulad ng katotohanan na ang mga hayop ay sumusunod sa kanilang mga likas na ugali samantalang ang mga tao ay nakapag-iisip nang makatwiran. Tinutukoy ng Bibliya ang mga hayop bilang uri ngunit ang mga tao ay tinutukoy bilang natatanging mga nilalang. Sinadya ng Diyos na lalangin ang bawat isa sa atin. Ang mga hayop ay walang layunin sa labas ng kanilang buhay sa mundo. Sa langit, tayo ay magiging lubos na maligaya dahil magpakailanman nating sasambahin ang Diyos. Samakatuwid, hindi na tayo mangungulila sa ating mga alaga roon.

Di tulad ng mga tao, ang mga hayop ay walang imortal na kaluluwa. Wakas na ang kamatayan para sa kanila.
Ang Dunong ng Simbahan

What does the seventh commandment require?

The seventh commandment requires respect for the goods of others through the practice of justice and charity, temperance and solidarity. In particular it requires respect for promises made and contracts agreed to, reparation for injustice committed and restitution of stolen goods, and respect for the integrity of creation by the prudent and moderate use of the mineral, vegetable, and animal resources of the universe with special attention to those species which are in danger of extinction. [CCCC 506]

Paano tayo dapat makitungo sa mga hayop?

Animals are our fellow creatures, which we should care for and in which we should delight, just as God delights in their existence.

Animals, too, are sentient creatures of God. It is a sin to torture them, to allow them to suffer, or to kill them uselessly. Nevertheless, man may not place love of animals above love of man. [Youcat 437]

How do the soul and body form a unity in the human being?

The human person is a being at once corporeal and spiritual. In man spirit and matter form one nature. This unity is so profound that, thanks to the spiritual principle which is the soul, the body which is material, becomes a living human body and participates in the dignity of the image of God. [CCCC 69]

Ano ang kaluluwa?

Ang kaluluwa ang siyang  gumagawang tao sa bawat tao: ang kanyang espirituwal na buhay-prinsipyo, ang kanyang kaloob-looban. Ginagawang mas buhay at mas makatao ng kaluluwa ang materyal na katawan. Sa pamamagitan ng kanyang kaluluwa, ang tao ang nilalang na nakakapagsabi ng "ako" at nakakatayo sa harap ng Diyos bilang isang indibidwal na hindi mapapalitan.

Ang tao ay nilalang na may katawan at espiritu. Ang espiritu ng tao ay higit pa sa isang tungkulin ng katawan at hindi maipapaliwanag mula sa materyal na konstitusyon ng tao. Sinasabi sa atin ng pag-iisip na dapat mayroong espirituwal na prinsipyo na kaisa ng katawan, ngunit hindi pareho rito. Tinatawag natin itong "kaluluwa." Bagamat ang kaluluwa ay hindi "maipapakita" ng likas na agham, hindi ito mauunawaan bilang espirituwal na nilalang kapag hindi tinanggap na ang materyal ay nalalampasan nitong espirituwal na prinsipyo ng tao. [Youcat 62]

Saan nagmumula ang kaluluwa ng tao?

Ang kaluluwa ng tao ay direktang nilikha ng Diyos at hindi “ipinanganak” ng mga magulang.

Ang kaluluwa ng tao ay hindi maaaring maging produkto ng isang ebolusyong pag-unlad ng mga materyal o resulta ng isang genetikong pagsasama ng ama at ina. Ang misteryo na sa bawat tao ay dumarating ang isang natatangi at espirituwal na indibidwal sa mundo, ay ipinapahayag ng Simbahan, kaya sinasabi niyang: Binigyan siya ng Diyos ng isang kaluluwang hindi namamatay, kahit na nawawala ng tao ang kanyang katawan sa kamatayan para muli itong mahanap sa muling pagkabuhay. Ang sabihing, “Mayroon akong kaluluwa,” ay nangangahulugang, “Nilikha ako ng Diyos hindi lamang bilang isang nilalang, kundi bilang isang tao, at tinawag sa isang hindi-magtatapos na pakikipag-ugnayan sa Kanya.” [Youcat 63]

Ito ang sinasabi ng mga Papa

Samantalang para sa iba pang mga nilalang na hindi tinawag sa kawalang-hanggan, ang kamatayan ay nangangahulugang ang pagtatapos lamang ng pag-iral sa mundo, sa atin ang kasalanan ay lumilikha ng isang bangin na kung saan ay ipagsapalaran nating malukob tayo magpakailanman maliban kung ang kamay ng Ama na nasa Langit ay iabot sa atin. [Pope Benedict XVI, Homily 13 Ene 2008]