
1.43 Ano ang mangyayari kapag tayo ay namatay?
Maraming tao ang takot sa kamatayan. Palagi tayong nag-iisa kapag namatay tayo: iiwan natin ang lahat ng ating kaalaman at papasok sa isang bagong katotohanan. Kapag namatay tayo, ang ating katawan ay mananatili sa lupa at ang ating kaluluwa ay haharap sa Diyos. Haharapin tayo sa paraan ng pamumuhay natin.
Kung sinubukan natin sa ating buhay na mahalin ang Diyos at ang ating kapwa tao, papasok tayo sa langit (posibleng sa pamamagitan ng purgatoryo). Sa langit, tayo ay magiging masaya magpakailanman kasama ng Diyos. Ang mga may malay at permanenteng tinanggihan ang pag-ibig ng Diyos lamang ang mapupunta sa impiyerno.
What does it mean to die in Christ Jesus?
Dying in Christ Jesus means to die in the state of God's grace without any mortal sin. A believer in Christ, following his example, is thus able to transform his own death into an act of obedience and love for the Father. “This saying is sure: if we have died with him, we will also live with him” (2 Timothy 2:11). [CCCC 206]
Paano tayo tinutulungan ni Kristo sa oras ng kamatayan kapag nagtitiwala tayo sa Kanya?
Sinasalubong tayo ni Kristo at dinadala tayo sa buhay na walang hanggan. “Hindi ang kamatayan ang susundo sa akin, kundi ang Diyos.” (Santa Teresita ng Sanggol na si Jesus)
Ang pagnilay sa pagdurusa at kamatayan ni Jesus ay maaari mismong gawing mas magaan ang kamatayan. Sa isang kilos ng pagtitiwala at pag-ibig sa Ama, maaari tayong magsabi ng “Oo,” gaya ng ginawa ni Jesus sa hardin ng Olibo. Ang naturang disposisyon ay tinatawag na “espirituwal na alay”: Ang mamamatay ay pinag-iisa ang kanyang sarili sa alay ni Kristo sa krus. Ang sinumang namamatay nang may pagtitiwala sa Diyos at may kapayapaan sa tao, ibig sabihin, walang mabigat na kasalanan, ay patungo sa pakikipag-isa kay Kristong muling nabuhay. Hindi tayo hahayaan ng ating pagkamatay na mahulog kundi sa Kanyang mga kamay. Ang sinumang namamatay ay hindi bumabangon kung saan-saan lamang, kundi bumabalik pauwi sa pag-ibig ng Diyos na siyang lumikha sa kanya. [Youcat 155
Ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo?
Sa kamatayan ay nahihiwalay sa isa't-isa ang katawan at kaluluwa. Ang katawan ay nabubulok, habang ang kaluluwa ay tumutungo sa Diyos at nag-aantay na muling maging kaisa sa kanyang muling nabuhay na katawan sa Araw ng Paghuhukom.
Ang paano ng muling pagkabuhay ng ating katawan ay isang misteryo. Maaari tayong matulungan ng isang larawan na tanggapin ito: kung titingnan ang bumbilya ng isang tulip, hindi natin alam kung anong gandang bulaklak siyang tutubo sa madilim na lupa. Sa gayong paraan ay hindi rin natin alam ang tungkol sa hinaharap na hitsura ng ating bagong katawan. Gayunpaman, siguardo si Pablo: "Bubuhaying maluwalhati ang inilibing na parang basura" (1 Cor 15:43a). [Youcat 154]
Ang bawat isa ay ihaharap sa Hukomeksakto sa kanyang pagalis sa buhay na ito. Gayunpaman, dapat mayroong isang naglilinis na apoy bago ang paghuhukom, dahil sa ilang mga maliliit na pagkakamali na maaaring panglinisin. Hindi ba sinabi ni Cristo, ang Katotohanan, ngunit sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin, maging sa panahong ito o sa panahong (Mt. 12:32)? Mula sa pahayag na ito, nalaman natin na ang ilang mga kasalanan ay maaaring mapatawad sa mundong ito at ang ilan sa darating na mundo. [St. Gregory the Great, Dialogues 4:39 (ML 77, 396)]