
4.9 Mahalaga pa rin ba ang Sampung Utos?
Naglalaman ang Sampung Utos ng napaka-pangkalahatang mga patakaran ng pag-uugali na maaaring sumang-ayon ang karamihan sa mga tao, lalong-lalo na sa mga huling pitong utos. Ang unang tatlong utos ay tungkol sa iyong kaugnayan sa Diyos . Ang pang-apat hanggang ika-sampung utos ay tungkol sa iyong kaugnayan sa ibang mga tao.
Ang Sampung Utos ay inilaan upang matulungan kang mabuhay sa isang tunay na paraan ng tao, para hindi mo makalimutan kung sino ka talaga. Sa ganitong paraan mananatili ka ring malapit sa Diyos, na lumikha sa iyo. Sa #TwGOD app, mahahanap mo ang Sampung Utos sa bahagi na naglalaman ng karaniwang mga pagbabalangkas ng pananampalatayang Katoliko (mga panalangin ng Katoliko).
Ano ang "Sampung Utos"?
- Ako ang Panginoon mong Diyos. Huwag kang magkaroon ng ibang diyos maliban sa Akin.
- Huwag mong ipahamak na ipanumpa ang pangalan ng Diyos.
- Ipangilin mo ang araw ng Panginoon → araw ng Pamamahinga (Linggo).
- Igalang mo ang iyong ama at ina.
- Huwag kang papatay.
- Huwag kang mangangalunya.
- Huwag kang magnakaw.
- Huwag kang magbintang o manirang puri sa iyong kapwa at huwag kang magsisinungaling.
- Huwag kang magnasa sa hindi mo asawa.
- Huwag kang magnasa sa hindi mo ari-arian.
[Youcat 349]
"Guro, anong kabutihan ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?" (Mateo 19:16)
Sa binata na nagtanong ng tanong na ito, sumagot si Jesus, " Kung nais mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos" , at pagkatapos ay idinagdag niya, " Halika, sumunod sa akin " (Mateo 19:16-21). Ang pagsunod kay Jesus ay nagsasangkot ng pagsunod sa mga utos. Ang kautusan ay hindi tinanggal ngunit ang tao ay inanyayahan na muling matuklasan ito sa Persona ng banal na Guro na ganap na napagtanto ito sa kanyang sarili, isiniwalat ang buong kahulugan nito at pinatunayan ang permanenteng bisa nito. [CCCC 434]
Ipinagbabawal ba ng utos ng Diyos, "Huwag kang gumawa ng inanyuan na larawan" (Exodo 20:3), ang pagsamba sa mga imahen?
Sa Lumang Tipan, ipinagbabawal ng utos na ito ang anumang paglalarawan sa Diyos na lubusang nakahihigit sa lahat ng bagay. Gayunman, ang Kristiyanong pagsamba sa mga sagradong imahe ay pinatutunayan ng pagkahari ng Anak ng Diyos (tulad ng itinuro ng Ikalawang Konsilyo ng Nicea noong 787AD) sapagkat ang gayong pagsamba ay itinatag sa hiwaga ng Anak ng Diyos na naging tao, na kung saan ang mas mataas na Diyos ay nakikita. Hindi ito nangangahulugan ng pagsamba sa isang imahe, kundi sa halip ng paggalang sa isa na kinakatawan dito: halimbawa, si Kristo, ang Purihang Birheng Maria, ang mga Anghel at ang mga Santo. [CCCC 446]
Ano ang ipinagbabawal ng ikalimang utos?
Ipinagbabawal ng ikalimang utos na lubhang salungat sa batas ng moralidad:
- direkta at sinasadyang pagpatay at pakikipagtulungan dito;
- direktang pagpapalaglag, nais bilang isang layunin o bilang isang paraan, gayundin ang pakikipagtulungan dito. Ang kasalanan na ito ay may kasamang parusa ng ekskomunikasyon sapagkat, mula sa sandali ng kanyang paglilihi, ang tao ay dapat na lubos na igalang at protektahan sa kanyang integridad;
- direktang euthanasia na binubuo sa pagtatapos sa buhay ng mga may kapansanan, may sakit, o malapit nang mamatay sa pamamagitan ng isang kilos o sa pamamagitan ng hindi paggawa ng isang kinakailangang kilos;
- ang pagpapakamatay at ang kusang pakikipagtulungan dito, dahil ito ay isang malubhang pagkakasala laban sa makatarungang pag-ibig sa Diyos, sa sarili, at sa kapuwa. Ang pananagutan ng isang tao ay maaaring maging mas matindi dahil sa iskandales na ibinigay; ang isa na may karamdaman sa isip o nakaranas ng matinding takot ay maaaring nabawasan ang pananagutan. [CCCC 470]
Bagaman sinasabi lamang nito "Huwag kang mangangalunya" bakit ipinagbabawal ng ikaanim na utos ang lahat ng mga kasalanan laban sa kastidad?
Bagaman ang teksto ng Bibliya sa Dekalogo ay "Huwag kang mangangalunya" (Exodo 20:14), ang Tradisyon ng Simbahan ay lubusang sumusunod sa mga turo ng moral ng Lumang at Bagong Tipan at itinuturing ang ikaanim na utos na sumasaklaw sa lahat ng mga kasalanan laban sa kastidad. [CCCC 493]
Ang Sampung Utos ba ay isang pagsasama-sama na nagkataon lamang?
Hindi. Ang Sampung Utos ay isang pagkakaisa. Ang isang utos ay kaugnay sa ibang utos. Hindi maaaring basta na lamang lumabag sa indibidwal na mga utos. Ang sinumang lumabag sa isang utos, ay lumalabag sa buong kautusan.
Ito ang natatangi sa "Sampung Utos": ang buong buhay ng tao ay nakatala sa mga ito. Tayong mga tao ay parehong nakatuon sa Diyos (Utos 1-3) at sa ating kapwa tao (Utos 4-10); tayo ay mga relihiyoso at panlipunang nilalang. [Youcat 350]
Palagi bang kasalanan laban sa unang Utos ang ateismo?
Ang → ateismo ay hindi isang kasalanan kapag ang tao ay walang karanasan sa Diyos o kaya'y ang mga katanungan tungkol sa Diyos ay hindi kayang paniwalaan matapos suriin sa kanyang konsiyensiya.
Hindi malinaw ang linya sa pagitan ng hindi-kayang-maniwala sa hindi-nais-maniwala. Ang paninindigan na nagsasantabi sa pananampalataya bilang hindi mahalaga nang hindi ito sinusuri nang maigi, ay kadalasang mas masahol kaysa sa sinadyang → ateismo. [Youcat 357]
Bakit ipinagbabawal ng Matandang Tipan ang mga larawan ng Diyos at bakit tayong mga Kristoyano ay hindi na sumusunod dito?longer keep that commandment?
Upang mapangalagaan ang misteryo ng Diyos at hindi ito mapalitan ng larawan ng mga idolo, sinasabi ng Unang Utos: "Huwag kang gagawa ng inukit na diyus-diyosan o imahen ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa" (Ex 20:4). Dahil ang Diyos mismo ay nagbigay ng makataong mukha kay Jesuskristo, tinanggal ang pagbabawal sa mga larawan sa Kristiyanismo; sa mga Silangang Simbahan, kahit ang mga → Ikono ay itinuturing na banal.
Ang kaalaman ng mga ama ng Israel na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat (→ transendensiya) at higit na dakila sa lahat sa mundo ay nagpapatuloy pa rin sa Judaismo at sa Islam, kung saan, gaya ng dati, walang maaaring larawan ang Diyos. Sa Kristiyanismo, niluwagan ang pagbabawal sa mga larawan simula noong ika-apat na siglo bilang paggalang kay Kristo, at inalis noong Ikalawang Konsilyo ng Nicea (787). Simula ng pagkakatawang tao, ang Diyos ay hindi na ganap na hindi mailarawan; simula kay Jesus, maaari na tayong gumawa ng larawan ng Kanyang pagkatao: "Sa pagkakita sa Akin ninuman, ang Ama ang nakikita Niya" (Jn 14:9). [Youcat 358]
Bakit pinalitan ng mga Kristiyano ng Linggo ang Sabbat?
Pinalitan ng mga Kristiyano ang pagdiriwang ng → Sabbat sa pagdiriwang ng Linggo dahil si Jesukristo ay nabuhay na mag-uli mula sa kamatayan sa araw ng Linggo. Ngunit ang "Araw ng Panginoon" ay mayroong mga elemento ng Sabbat.
May tatlong mahahalagang elemento ang Kristiyanong araw ng Linggo: 1. Nagpapaalala ito sa paglikha ng mundo at nagiging tagapamagitan ng makulay na pagtingin ng kabutihan ng Diyos sa panahon; 2. Nagpapaalala ito sa "ikawalong araw ng paglikha," noong pinapagbago ang mundo kay Kristo (gaya ng sinasabi ng isang panalangin sa Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay: "Sa Iyong kagandahang-loob kami'y Inyong nilikha at sa Iyong pagtatangkilik kami'y Iyong pinadakila"); 3. Tinatalakay nito ang motibo ng pahinga, hindi lamang para gawing banal ang pagpuputol sa pagkakasunod-sunod ng araw ng trabaho, kundi upang ituro ngayon pa lang ang walang hanggang pahinga ng tao. [Youcat 364]
Paano ginagawang "Araw ng Panginoon" ng mga Kristiyano ang Linggo"?
Ang isang Kristiyanong Katoliko ay nagsisimba tuwing Linggo o kaya'y sa gabi bago mag-Linggo. Hindi niya ginagawa sa araw na ito ang anumang trabaho na makakapigil sa kanya na sumamba sa Diyos at makasisira sa karakter ng pagdiriwang, kagalakan, kapahingahan at pagpapagaling.
Dahil ang Linggo ay isang paulit-ulit na lingguhang pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, nagtitipon-tipon ang mga Kristiyano sa araw na ito simula pa noong unang panahon, upang ipagdiwang ang kanilang Tagapagligtas, pasalamatan Siya at muling makipag-isa sa Kanya at sa iba pang naligtas. Kaya isang pangunahing tungkulin ng bawat nakakaalam na Kristiyanong Katoliko na gawing "banal" ang Linggo at ang iba pang pagdiriwang ng Simbahan. Maaari lamang hindi obserbahan ito kapag may kailangang-kailangang obligasyon sa pamilya at mahalagang panlipunang tungkulin. Dahil ang pakikibahagi sa lingguhang → Eukaristiya ay pangunahin para sa isang Kristiaynong pamumuhay, malinaw na sinasabi ng Simbahan na isang mabigat na kasalanan ang hindi pagdalo sa Misa tuwing Linggo nang walang mabigat na dahilan. [Youcat 365]
Hindi nakakagulat ... na ang Pakikipagtipan ng Diyos sa kanyang bayan ay malapit na maiugnay sa pananaw ng buhay, at sa sukat din ng katawan ... Ang nakataya ay ... ang mundo ngayon at ng hinaharap, at ang pagkakaroon ng lahat ng sangkatauhan. Sa katunayan, ganap na imposible para sa buhay na manatiling tunay at kumpleto sa sandaling ito ay mawalay mula sa kabutihan; at ang mabuti, ay mahalagang nakasalalay sa mga utos ng Panginoon, samakatuwid nga, sa "batas ng buhay" (Sir 17:11). [Pope John Paul II, Evangelium Vitae, n. 48]