
1.24 Bakit nagpagala-gala sa disyerto ng 40 taon ang mga Israelita?
Ang mga ninuno ng bansa na kinalauna’y tinawag na Israel ay pumunta sa Ehipto sa panahon ng taggutom. Noong bandang huli ay isiniil sila bilang mga alipin ng Faraon ng Ehipto. Pinili ng Diyos si Moises upang mapalaya ang kanyang mga tao at akayin sila patungo sa mas mabuting buhay sa bayan na ipinangako sa kanilang mga ninuno ilang siglong nakaraan.
Ayaw ng faraon na paalisin ang mga Israelita, kaya’t pinadalhan siya ng mga sakuna. Pagkatapos, pinayagan makaalis ang mga tao at sila ay naglakbay sa disyerto. Dahil hindi sinunod ng mga Israelita ang Diyos at kadalasa’y lumabag sa kanyang mga kautusan, sila ay pinarusahan ng 40 taon na pagpapagala-gala bago makarating sa Lupang Pangako.
Paano ipinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa Matandang Tipan?
Ipinakita ng Diyos ang Kanyang sarili sa → Matandang Tipan bilang isang Diyos na nilikha ang mundo, pati na rin ang tao, dahil sa pag-ibig, pagkatapos ay nanatili pa ring tapat noong sila’y nahulog sa kasalanan papalayo sa Kanya.
Sa kasaysayan, ginawa ng Diyos ang Kanyang sarili na mararanasan. Nakipagtipan Siya kay Noe para sa kaligtasan ng lahat ng nilalang. Tinawag Niya si Abraham upang gawin siyang “ama ng maraming bansa” (Gen 17:5b) at sa pamamagitan niya’y “pagpapalain ang lahat ng bayan sa daigdig” (Gen 12:3b). Ang bayang Israel na nagmula kay Abraham ay magiging Kanyang natatanging pag-aari. Ipinakilala Niya ang Kanyang sariling pangalan kay Moises. Ang Kanyang mahiwagang pangalan יהוה ay madalas isinusulat na → Yawe, na nangangahulugang “Ako Siyang Umiiral” (Ex 3:14). Pinalaya Niya ang Israel mula sa pagkakaalipin sa Ehipto, nakipagtipan sa Sinai at ibinigay sa Israel ang Kanyang batas sa pamamagitan ni Moises. Paulit-ulit na ipinadala ng Diyos ang mga propeta sa Kanyang bayan, upang manawagan sa kanilang magbalik-loob at muling makipagtipan. Ipinahayag ng mga propeta na gagawa ang Diyos ng isang bago at walang hanggang tipan na magsasanhi ng isang radikal na pagbabago at pangwakas na pagtubos. Itong tipan ay mananatiling bukas sa lahat ng tao. [Youcat 8]
Ang paglalakbay ng mga Hudyo mula sa Ehipto patungo sa Lupang Pangako ay tumatagal ng 40 taon, isang naaangkop na tagal ng panahon upang maranasan ang katapatan ng Diyos. "Alalahanin mo ang lahat ng mga daan na pinangunahan ka ng Panginoon mong Diyos sa loob ng apatnapung taon sa ilang ... ang iyong damit ay hindi nasira sa iyo, at ang iyong paa ay hindi namamaga, sa loob ng apatnapung taon", sabi ni Moises sa Deuteronomio sa katapusan ng paglipat ng 40 taon (8: 2,4). [Pope Benedict XVI, General Audience, 22 Feb. 2012]