
4.44 Puwede ba na ang mga Kristiyano ay magpatala sa hukbong sandatahan o magsimula ng mga digmaan?
Napaka-Kristiyano upang makatulong na makamit ang kapayapaan at katiwasayan.Ito ay isang tiyak na gawain ng hukbong sandatahan. Ang karahasan na minsang pilit na ginagamit ng mga sundalo ay maaaring mabigyang-katwiran kung mayroong isang napipintong banta, kung wala ng iba pang paraan at ang lakas na ginamit ay katimbang sa hangaring hinahangad.
Sinabi ni Papa Juan Pablo II noong 2003: “Hindi laging maiiwasan ang digmaan. Ngunit palaging ito ay isang pagkatalo para sa sangkatauhan.”
Ano ang hinihiling ng Panginoon sa bawat tao may kinalaman sa kapayapaan?
Ang Panginoon ay nagpahayag na "Bulahan ang mga tagapamagitan ng kapayapaan" (Mateo 5:9). Hiniling niya ang kapayapaan ng puso at kinondena ang imoralidad ng galit na pagnanais ng paghihiganti para sa isang pinsala na dinanas. Kinondena rin niya ang pagkapoot na humahantong sa isa na magnanasa ng kasamaan sa kaniyang kapuwa. Ang mga saloobin na ito, kung kusang-loob at pinapayagan sa mga bagay na may malaking kahalagahan, ay nakamamatay na mga kasalanan laban sa kawanggawa. [CCCC 480]
Ano ang kinakailangan para sa kapayapaan sa lupa?
Ang kapayapaan sa lupa ay nangangailangan ng pantay na pamamahagi at pangangalaga ng mga kayamanan ng mga tao, malayang komunikasyon sa pagitan ng mga tao, paggalang sa dignidad ng mga tao at mga tao, at ang masigasig na pagsasagawa ng katarungan at kapatiran. [CCCC 482]
Sa panganib ng digmaan, sino ang may pananagutan sa mahigpit na pagsusuri ng mga kalagayang ito?
Ang pananagutan na ito ay nauukol sa maingat na paghatol ng mga opisyal ng gobyerno na may karapatan ding ipataw sa mga mamamayan ang obligasyon ng pambansang depensa. Ang personal na karapatan sa pagsalungat dahil sa budhi ay gumagawa ng isang eksepsiyon sa obligasyong ito na kung gayon ay dapat na gampanan sa pamamagitan ng ibang anyo ng paglilingkod sa pamayanan ng tao. [CCCC 484]
Sa kaso ng digmaan, ano ang hinihiling ng batas sa moral?
Kahit na sa panahon ng digmaan ang batas sa moral ay laging nananatili. Kinakailangan nito ang makataong pagtrato sa mga di-nakikibaka, nasugatan na sundalo at mga bilanggo sa digmaan. Ang sinasadyang mga pagkilos na salungat sa batas ng mga bansa, at ang mga utos na nag-uutos ng gayong mga pagkilos ay mga krimen, na ang bulag na pagsunod ay hindi nagpapatawad. Ang mga gawaing paglipol ng masa ay dapat na hatulan at gayundin ang paglipol ng mga tao o mga etnikong minorya, na siyang pinakamasakit na mga kasalanan. Ang isa ay may moral na obligasyon na labanan ang mga utos na nag-uutos ng gayong mga gawa. [CCCC 485]
Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang digmaan?
Dahil sa mga kasamaan at mga kawalang-katarungan na dulot ng lahat ng digmaan, dapat nating gawin ang lahat ng makatuwirang posibleng gawin upang maiwasan ito. Sa layuning ito ay lalo na mahalaga na iwasan ang: pag-ipon at pagbebenta ng mga armas na hindi kinokontrol ng mga lehitimong awtoridad; lahat ng anyo ng kawalang-katarungan sa ekonomiya at panlipunan; diskriminasyon sa etniko at relihiyon; inggit, kawalan ng tiwala, pagmamataas at diwa ng paghihiganti. Lahat ng ginagawa upang mapagtagumpayan ang mga ito at iba pang mga kaguluhan ay tumutulong sa pagtatayo ng kapayapaan at pag-iwas sa digmaan. [CCCC 486]]
Ano ang kapayapaan?
Ang kapayapaan ay resulta ng katarungan at tanda ng pag-ibig na isinakatuparan. Kung nasaan ang kapayapaan, doon "makapagpapahinga ang bawat nilalang sa isang mabuting kaayusan" (Santo Tomas de Aquino). Ang kapayapaan sa lupa ay isang larawan ng kapayapaan ni Kristo na siyang ipinagkasundo ang langit at lupa.
Ang kapayapaan ay higit sa kawalan ng digmaan, higit din sa isang maingat na timbang ng balanse ng kapangyarihan ("balanse ng pagkatakot"). Sa kalagayan ng kapayapaan, ang tao ay maaaring mamuhay nang sigurado sa kanilang makatarungang nakuhang ari-arian at pangalagaan ang isa't-isa sa malayang pakikipag-palitan. Sa kapayapaan, iginagalang ang dangal at karapatan ng bawat isa at ng mga tao na magpasya. Sa kapayapaan, minamarkahan ng kapatiran ng pagkakaisa ang samahan ng mga tao. [Youcat 395]
Paano hinaharap ng isang Kristiyano ang galit?
Sinabi ni Apostol San Pablo: "Kung magalit man kayo, huwag kayong magkasala; huwag palubugin ang araw sa inyong galit." (Ef 4:36)
Una sa lahat, ang galit ay isang natural na emosyon, bilang reaksyon sa nararamdamang kawalan ng katarungan. Gayunpaman, kapag ang galit ay naging poot at hinangad ang masama sa kapwa, magiging isang masamang asal laban sa pagmamahal ang isang normal na damdamin. Ang anumang di-mapigilang galit, lalo na ang pag-iisip ng paghihiganti, ay nakatuon laban sa kapayapaan at sinisira ang "kapayapaan ng kaayusan." [Youcat 396]
Ano ang paningin ni Jesus tungkol sa kawalan ng karahasan?
Mataas ang pagtingin ni Jesus sa mga kilos na hindi gumagamit ng karahasan; Kanyang hinikayat ang Kanyang mga alagad: "Huwag ninyong labanan ng masama ang masama. Kung sampalin ka sa kanang pisngi, ibaling ang mukha at iharap ang kabilang pisngi." (Mt 5:39)
Kanyang tinanggihan si Pedro na nais Siyang ipagtanggol gamit ang karahasan: "Ibalik mo ang tabak sa sukbitan nito" (Jn 18:11). Si Jesus ay hindi nanawagang gumamit ng mga armas. Nanahimik siya sa harapan ni Pilato. Ang Kanyang naging daan ng krus, iligtas ang mundo sa pamamagitan ng pag-ibig at tawaging mapalad ang mga tagapamayapa. Samakatuwid, iginagalang din ng Simbahan ang mga taong tumatangging manilbihan sa sandatahan dahil sa kanilang konsiyensiya, ngunit sa halip ay inilalagay ang sarili sa serbisyo ng komunidad. [Youcat 397]
Dapat bang maging pasipista ang mga Kristiyano?
Ipinaglalaban ng Simbahan ang kalayaan, ngunit hindi ito kumakatawan para sa pasipismo. Hindi maaaring ipagkaila sa indibidwal o mga yunit ng estado at mga komunidad ang pangunahing karapatang ipagtanggol ang sarili at magdepensa sa pamamagitan ng sandata. Ang digmaan ay moral na makatuwiran lamang bilang huling pamamaraan.
Ang Simbahan ay malinaw na hinihindian ang digmaan. Dapat gawin ng mga Kristiyano ang lahat ng maaari upang maagang maiwasan ang digmaan: ipinagtatanggol nila ang akumulasyon ng armas at kalakalan nito; nilalabanan nila ang panlahi, etniko at panrelihiyong diskriminasyon; tinutulungan nilang magkaroon ng pagtatapos ang kawalang katarungan sa ekonomiya at lipunan at upang sa gayon ay palakasin ang kapayapaan. [Youcat 398]
Kailan pinahihintulutan ang paggamit ng puwersa militar?
Ang paggamit ng puwersa militar ay posible lamang sa matinding kagipitan. Ang mga sumusunod ay pamantayan para sa isang "makatarungang digmaan": 1. ang awtorisasyon ng karampatang awtoridad; 2. isang makatarungang dahilan; 3. isang makatarungang intensyon; 4. dapat maging huling solusyon ang digmaan; 5. ang mga gagamiting pamamaraan ay kailangang proporsyonal; 6. dapat magkaroon ng pagkakataong magtagumpay. [Youcat 399]
[Ikaw, mga sandatahang lakas, ay] nakatuon sa pagtatanggol sa kapayapaan at buhay ... Ang gawain at pagsasakripisyo sa inyong lahat ay makakatulong upang matiyak ang kapayapaan at seguridad ng mga indibidwal at lipunan. Ipagdarasal ko na kayo mismo ay laging mapanatiling ligtas sa pagganap ng inyong mga tungkulin na pang-propesyonal, at na ang mga banal na kaloob ng karunungan at lakas ay sasamahan kayo sa paglilingkod sa inyong sariling mga bansa at sa kapwa kalalakihan at kababaihan. [Pope John Paul II, to the armed forces, 19 Nov. 2000]