Lahat ng mga Katanungan
prev
Previous:1.29 Hindi ba’t si Hesus ay isang mabait na tao at matalinong guru lamang?
next
Next:1.31 Sino ang Espiritu Santo?

1.30 Mayroon bang mga kapatid si Hesus?

Ano ang nagawa ni Hesus para sa atin?

Madalas mabanggit sa Bibliya ang mga “kapatid” ni Hesus, kaya paano natin paniniwalaan na si Maria ay nanatiling isang birhen at hindi nagluwal ng ibang mga anak? Sa Bibliya, ang salitang kapatid ay hindi lamang ginagamit upang tukuyin ang mga anak ng parehong mga magulang (tulad natin ngayon).

Sa Bibliya, ang “mga kapatid” ay maaaring mga pinsan, mga pamangkin at mga tiyuhin at tiyahin. Tinatawag tayo lahat ni Hesus na mga kapatid. Ang pagbuklod ng mga Kristiyano ay hindi batay sa ugnayan sa dugo, kundi sa pagsunod kay Hesus kaya naging mga kapatid tayo ni Hesus, at gayon din ng isa’t isa.

Hindi nagkaroon ng mga anak si Maria at Jose. Ang mga “kapatid” ni Hesus ay ang mga ibang kamag-anak. Ikaw rin ay maaaring maging kapatid ni Hesus!
Ang Dunong ng Simbahan

What does the virginal conception of Jesus mean?

The virginal conception of Jesus means that Jesus was conceived in the womb of the Virgin solely by the power of the Holy Spirit without the intervention of a man. He is the Son of the heavenly Father according to his divine nature and the Son of Mary according to his human nature. He is, however, truly the Son of God in both natures since there is in him only one Person who is divine. [CCCC 98]

Bakit birhen si Maria?

Ninais ng Diyos na magkaroon si Jesus ng inang tunay na tao, ngunit ang Diyos mismo lamang ang Kanyang Ama, dahil nais Niyang gumawa ng isang bagong simula na hindi nagmula sa kapangyarihan ng mundo, kundi Siya lamang ang pinagkakautangan ng loob.

Ang pagiging birhen ni Maria ay hindi isang mitolohiyang kaisipang lumipas na, kundi kinakailangan para sa buhay ni Jesus. Ipinanganak Siya mula sa isang babae, ngunit walang ama sa lupa. Si Jesukristo ay itinalaga mula sa kaitaasan na isang bagong simula sa mundo. Sa Ebanghelyo ni Lucas, tinanong ni Maria ang anghel, “Paanong mangyayari ito gayong di ako ginagalaw ng lalaki?” (=hindi sumiping sa lalaki, Lc 1:34); sinagot ito ng anghel: “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo” (Lc 1:35). Kahit na kinutya ang Simbahan simula pa ng kanyang mga unang panahon dahil sa paniniwala niya sa pagka-birhen ni Maria, palagi siyang naniwala na ito ay tungkol sa isang tunay at hindi lamang sinisimbolong pagka-birhen. [Youcat 80]

In what sense is Mary “ever Virgin”?

Mary is ever virgin in the sense that she “remained a virgin in conceiving her Son, a virgin in giving birth to him, a virgin in carrying him, a virgin in nursing him at her breast, always a virgin” (Saint Augustine). Therefore, when the Gospels speak of the “brothers and sisters of Jesus”, they are talking about the close relations of Jesus, according to the way of speaking used in Sacred Scripture. [CCCC 99]

Mayroon bang ibang anak si Maria liban kay Jesus?

Wala. Si Jesus ang nag-iisang ipinanganak ni Maria.

Simula noong sinaunang Simbahan pa lang ay pinanghawakan na nila ang panghabangbuhay na pagkabirhen ni Maria kaya hindi maaaring magkaroon si Jesus ng mga kapatid sa parehong ina. Sa Aramaiko na sariling wika ni Jesus, iisa lamang ang salita para sa kapatid at pinsan. Saan man sa Ebanghelyo na binbanggit ang “kapatid” ni Jesus (halimbawa, Mc 3:31-35), ito ay patungkol sa malapit na kamag-anak ni Jesus. [Youcat 81]

Ito ang sinasabi ng mga Papa

Ang pinagmulan ay naiiba ngunit ang kalikasan ay magkapareho: hindi sa pakikipagtalik sa tao ngunit sa kapangyarihan ng Diyos ito naganap: para sa isang Birhen na nagbuntis, isang Birhen na nanganak, at isang Birhen ay nanatili siya
 [Pope Leo I, Sermons 22:2].