
1.47 Dapat ba akong matakot sa purgatoryo?
Nilikha ng Diyos ang purgatoryo dahil siya ay mapagmahal at may walang-hanggang awa. Gusto niyang lahat ay maligtas at makapiling niya sa langit. Samakatuwid, mapupunta tayo sa purgatoryo kung ang ating kaluluwa ay may taglay pang kasalanan, o bahid ng kasalanan, sa oras ng ating kamatayan.
Sa purgatoryo, tayo ay nililinis at inihahanda para sa langit dahil nararanasan natin ang nakakakapasong kahihiyan at pagsisisi para sa ating mga kasalanan. Ang purgatoryo ay pansamantala lamang. Ang mga tao na nagdurusa sa mundo dahil sa digmaan, sakit, pagpapahirap, o pag-uusig ay nililinis na para sa langit (Mt. 5:4-10) Mateo 5:4-10 Pinagpala ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Pinagpala ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig. Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos. Pinagpala ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. Pinagpala ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos. Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.. Mapapaikli ang oras natin sa purgatoryo sa pamamagitan ng pananalangin, pag-aalay ng Banal na Misa, at sa iba pang mga paraan.
Ano ang purgatoryo?
Ang purgatoryo, na kadalasang inilalarawan bilang lugar ay, sa halip, isang katayuan. Ang sinumang namamatay sa biyaya ng Diyos (ibig sabihin, may kapayapaan sa Diyos at sa tao), ngunit kinakailangan pang linisin bago niya maaaring makita ang Diyos nang harap-harapan - siya ay nasa purgatoryo.
Noong ipinagkanulo ni Pedro si Jesus, ibinaling ni Jesus ang Kanyang tingin kay Pedro, "At umalis siyang buong kapaitang umiiyak" - isang pakiramdam na parang katulad ng purgatoryo. At ganitong purgatoryo ang masasabing nag-aantay sa karamihan sa sandali ng kanilang kamatayan: tinitingnan tayo ng Diyos na puno ng pag-ibig - at nararanasan natin ang matinding hiya at masakit na pagsisisi sa ating kasamaaon o kaya'y sa ating pakikitungo na wala "lang" namang pag-ibig. Tanging pagkatapos lamang nitong sakit na nakapagpapalinis magkakaroon tayo ng kakayahan na makatagpo ang Kanyang mapagmahal na paningin sa patuloy na makalangit na kagalakan. [Youcat 159]
How can we help the souls being purified in purgatory?
Because of the communion of saints, the faithful who are still pilgrims on earth are able to help the souls in purgatory by offering prayers in suffrage for them, especially the Eucharistic sacrifice. They also help them by almsgiving, indulgences, and works of penance. [CCCC 211]
In what way does the Church participate in the eucharistic sacrifice?
In the Eucharist the sacrifice of Christ becomes also the sacrifice of the members of his Body. The lives of the faithful, their praise, their suffering, their prayers, their work, are united to those of Christ. In as much as it is a sacrifice, the Eucharist is likewise offered for all the faithful, living and dead, in reparation for the sins of all and to obtain spiritual and temporal benefits from God. The Church in heaven is also united to the offering of Christ. [CCCC 281]
Maaari ba nating matulungan ang mga namatay na nasa purgatoryo pa?
Oo, dahil lahat ng binyagan ay nagtatayo ng isang komunidad kay Kristo at pinagbubuklod sa isa't isa, maaari ring tulungan ng mga nabubuhay ang kaluluwa ng mga namatay na nasa purgatoryo.
Kapag patay na ang isang tao, wala na siyang magagawa para sa kanyang sarili. Ang panahon ng aktibong paggawa ay lumipas na. Ngunit may maaari pa rin tayong gawin para sa mga namatay na nasa purgatoryo. Nakakaabot ang ating pag-ibig sa kabilang buhay. Sa pamamagitan ng ating pag-aayuno, pagdarasal, paggawa ng mabuti, ngunit higit sa lahat pagdiriwang ng banal na → Eukaristiya, maaari tayong humingi ng biyaya para sa mga yumao. [Youcat 160]
Maaari mo akong linisin sa buhay na ito, at gawin akong ganyan, upang pagkatapos kong tumayo ay hindi kailangan ng malinis na apoy, para sa mga 'na maliligtas, gayon ma'y sa apoy' (1 Cor. 3:15) . At sapagkat sinabi na, 'siya ay maliligtas,' ang apoy na iyon ay hindi gaanong naisip. Para sa lahat ng iyon, kahit na tayo ay dapat na 'maligtas sa apoy', gayon pa man ang apoy na iyon ay magiging mas malubha kaysa sa anumang maaaring pagdurusa ng tao sa buhay na ito anupaman. [St. Augustine, Expositions on the psalms, 37:3 (ML 36,397)]