
1.31 Sino ang Espiritu Santo?
Ang Espiritu Santo, ang Diyos Ama, at kanyang anak na si Hesus, ay ang tatlong bumubuo sa Banal na Santatlo. Ang Santatlong ito ay may natatanging ugnayan sa isa’t isa. Gawain ng Espiritu Santo ang magbigay ng inspirasyon at tumulong sa atin na magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos at magkaroon ng panimulang pananampalataya.
Ang Espiritu Santo rin ang nagbigay ng inspirasyon sa mga may-akda ng Bibliya habang isinusulat nila ang mensahe ng Diyos. Siya rin ang tumutulong sa atin ngayon para matutunan ang tamang pagbasa ng Bibliya. Nakikita natin siya na inilalarawan bilang paghinga, hangin o bagyo, pati na bilang tubig, apoy, ilaw o ulap. Siya ay laging inilalarawan bilang isang kalapati na bumaba kay Hesus noong siya ay binabautismuhan. (Mateo 3:16). Mateo 3:16 Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya.
Why are the missions of the Son and the Holy Spirit inseparable?
In the indivisible Trinity, the Son and the Spirit are distinct but inseparable. From the very beginning until the end of time, when the Father sends his Son he also sends his Spirit who unites us to Christ in faith so that as adopted sons we can call God “Father” (Romans 8:15). The Spirit is invisible but we know him through his actions, when he reveals the Word to us and when he acts in the Church. [CCCC 137]
Ano ang ibig sabihin ng: Ang Espiritu Santo ay “nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta”?
Sa Matandang Tipan pa lamang ay pinuno ng Diyos ng Espiritu ang mga kalalakihan at kababaihan kaya naiangat nila para sa Diyos ang kanilang mga tinig, nagsalita sa Kanyang ngalan at inihanda ang mga tao para sa pagdating ng Mesiyas.
Sa Matandang Tipan, naghanap ang Diyos ng mga kalalakihan at kababaihan na handang aliwin, gabayan at pamunuan ang Kanyang bayan. Ang Espiritu Santo ang nagsalita sa pamamagitan ng tinig nina Isaias, Jeremias, Ezekiel at iba pang propeta. Hindi lamang nakita ni Juan Bautista, ang pinakahuli sa mga propetang ito, ang pagdating ng Mesiyas, kundi nakatagpo at naipahayag pa niya si Jesus bilang tagapagligtas mula sa kapangyarihan ng kasalanan. [Youcat 116]
What are the names of the Holy Spirit?
“The Holy Spirit” is the proper name of the third Person of the Most Holy Trinity. Jesus also called him the Paraclete (Consoler or Advocate) and the Spirit of Truth. The New Testament also refers to him as the Spirit of Christ, of the Lord, of God - the Spirit of Glory and the Spirit of the Promise. [CCCC 138]
Sa ilalim ng anong pangalan at tanda nagpakita ang Espiritu Santo?
Bumaba kay Jesus sa anyo ng kalapati ang Espiritu Santo. Naranasan ng mga unang Kristiyano ang Espiritu Santo na parang nakapagpapagaling na pamahid, parang tubig na buhay, parang namumuong bagyo, o parang naglalagablab na apoy. Si Jesukristo mismo ay nagsalita tungkol sa Tagapagtanggol, Taga-aliw, Tagapagturo, at Espiritu Santo sa mga → Sakramento sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay at pagpapahid ng langis.
Ang kapayapaan na pinagtibay ng Diyos sa tao pagkatapos ng pagbaha ay naipahayag kay Noe sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang kalapati. Kahit ang mga sinaunang pagano ay kinilala ang kalapati bilang larawan ng pag-ibig. Kaya naintindihan kaagad ng mga sinaunang Kristiyano kung bakit ang Espiritu Santo, ang naging persona ng pag-ibig ng Diyos, ay bumaba kay Jesus sa anyo ng isang kalapati noong nagpabinyag Siya sa Ilog Jordan. Sa kasalukuyan, ang kalapati ay kilala sa buong mundo bilang simbolo ng kapayapaan at isa sa mga dakilang simbolo ng pakikipagkasundo ng tao sa Diyos (tingnan ang Gen 8:10-11). [Youcat 115]
Darating ang Tagapagtaguyod at isusugo siya ng Anak mula sa Ama, at siya ang espiritu ng katotohanan na nagmula sa Ama. [St. Hilary, On the Trinity, Bk. 8, Chap. 19 (ML 10, 250)]