
1.34 Nilikha ba ng Diyos ang kasamaan? Ano ang kaugnayan nito sa aking mga kasalanan?
Tila hindi natin nauunawaan na ang Diyos ay hindi nakikialam kapag may masamang bagay na nangyari. Ang lahat ng kasamaan ay taliwas sa kanyang dakilang pag-ibig. Bilang tao, hindi natin kayang tarukin ang pinagmulan ng kasamaan. Ang isang bahagyang paliwanag ay maaari tayong mga tao, na nilikha ng Diyos na mabuti, magkamali sa paggamit ng ating malayang pagpapasya.
Maaari tayong pumili ng mabuti (ang Kalooban ng Diyos), ngunit kasama rin ang masama. Kapag mali ang ating pagpili, malalaman natin sa kaibuturan ng ating kalooban na hindi tama ang ating ginagawa: nagkakasala tayo. Ang kamangha-manghang bagay ay dumating si Hesus upang tubusin tayo mula sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus (Roma 5:20) Roma 5:20 Nang magkaroon ng Kautusan, dumami ang pagsuway; ngunit sa pagdami naman ng mga pagsuway ay lalong sumagana ang kagandahang-loob ng Diyos..
Ano ang kasalanan?
Sa kaibuturan nito, ang kasalanan ay ang pagtalikod sa Diyos at ang pagtangging tanggapin ang Kanyang pag-ibig. Ipinapakita ito sa pagbalewala sa Kanyang mga utos.
Ang kasalanan ay higit sa isang maling pag-uugali; ito ay hindi rin isang sikolohikal na kahinaan. Sa pinakamalalim nitong kahulugan, ang bawat pagtanggi o pagsira ng anumang mabuti ay ang pagtanggi sa kabutihan mismo, pagtanggi sa Diyos. Ang kasalanan sa pinakamalalim at pinakakakila-kilabot na dimensyon nito ay ang pagkakawalay sa Diyos, at sa gayon, pagkawalay sa bukal ng buhay. Kaya ang kamatayan ay bunga rin ng kasalanan. Sa pamamagitan lamang ni Jesus natin maiintindihan ang hindi masukat na dimensyon ng kasalanan: tiniis ni Jesus sa Kanyang sariling katawan ang pagtanggi sa Diyos. Kanyang inangkin sa Kanyang sarili ang nakamamatay na kapangyarihan ng kasalanan, upang hindi tayo nito makatagpo. Ang tawag natin rito ay pagtubos. [Youcat 67]
If God is omnipotent and provident, why then does evil exist?
To this question, as painful and mysterious as it is, only the whole of Christian faith can constitute a response. God is not in any way - directly or indirectly - the cause of evil. He illuminates the mystery of evil in his Son Jesus Christ who died and rose in order to vanquish that great moral evil, human sin, which is at the root of all other evils. [CCCC 57]
Why does God permit evil?
Faith gives us the certainty that God would not permit evil if he did not cause a good to come from that very evil. This was realized in a wondrous way by God in the death and resurrection of Christ. In fact, from the greatest of all moral evils (the murder of his Son) he has brought forth the greatest of all goods (the glorification of Christ and our redemption). [CCCC 58]
Ang binyag lang ba talaga ang tanging daan sa kaligtasan?
Para sa lahat ng nakatanggap ng Ebanghelyo at nakarinig dito na si Kristo “ang siyang daan, ang katotohanan at ang buhay” (Jn 14:6), ang pagbibinyag ang siyang tanging daan sa Diyos at sa kaligtasan. Kasabay nito, totoo ring si Kristo ay namatay para sa lahat ng tao. Kaya naliligtas din ang lahat ng tao na wala talagang pagkakataong makilala si Kristo at ang pananampalataya, ngunit sila’y naghahanap sa Diyos nang may tapat na puso at namumuhay nang ayon sa kanilang konsiyensiya (ang tinatawag na binyag ng pagnanais).
Iniugnay ng Diyos ang kaligtasan sa mga → Sakramento. Kaya dapat itong walang-kapagurang ialok ng Simahan sa mga tao. Ang isuko ang misyong ito ay parang isang pagtataksil sa misyon ng Diyos. Ngunit ang Diyos mismo ay hindi nakatali sa kanyang mga sakramento. Kung saan ang Simbahan – dahil sa kanyang kasalanan o sa iba pang kadahilanan – ay hindi makarating doon o nananatiling bigo, doon ay Diyos mismo ang maglalatag ng iba pang daan para sa kaligtasan ng tao. [Youcat 199]
Ang Diyos ay tapat sa kanyang walang hanggang plano kahit na ang tao, sa ilalim ng salpok ng masama at nadala ng kanyang sariling pagmamataas, ay nag-abuso ng kalayaan na ibinigay sa kanya upang mahalin at masaganang hanapin kung ano ang mabuti, at tumanggi na sundin ang kanyang Panginoon at Ama. [Pope John Paul II, Reconciliation and Penance, n. 10]