DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:2.5 Ano ang Romanong Curia?
next
Next:2.7 Hindi ba labag sa pagka-kristiyano ang pagiging napakayaman ng Simbahan?

2.6 Ang Vatican ba ay isang tunay na bansa?

Ang Simbahan ngayon

Kahit na katumbas ng dalawampung palaruan ng football lamang ang sinasakop ng Lungsod ng Vatican at mayroong halos isang libong mga naninirahan lamang, ito ay isang tunay na bansa! Ang puno ng estado, ang Papa, ay tumutulong sa iba’t-ibang lupong tagapamahala.

Kasama sa mga institusyon ng Lungsod ng Vatican ang bangko, serbisyo ng ambulansiya, paradahan ng kotse, pamilihan, botika, hukbo at kulungan. Ang kardinal [>2.10] ay ang “alkalde”.

Ang Lungsod ng Vatican ay isang tunay na bansa na may halos 1,000 naninirahan, istasyon ng radyo at telebisyon, hukbo at lakas ng polisya, helipad, bangko at kung anu-ano pa.
The Wisdom of the Church

What is the content of the social doctrine of the Church?

The social doctrine of the Church is an organic development of the truth of the Gospel about the dignity of the human person and his social dimension offering principles for reflection, criteria for judgment, and norms and guidelines for action. [CCCC 509]

Bakit may sariling doktrinang panlipunan ang Simbahang Katolika?

Dahil nagtataglay ang lahat ng tao ng kakaibang karangalan bilang mga anak ng Diyos, tinitiyak ng Simbahan, gamit ang doktrinang panlipunan nito, na ang dignidad ng tao sa larangan ng lipunan ay maisasakatuparan din para sa lahat ng tao. Hindi niya nais paboran ang pulitika o ang ekonomiya. Ngunit, kung ang karangalan ng tao ay pinipinsala sa pulitika at ekonomiya, kinakailangan nang manghimasok ng Simbahan.

"Ang kagalakan at pag-asa, lungkot at takot ng mga tao ngayon, lalung-lalo na ng mga mahihirap at nagdadalamhati sa anumang paraan, ay siya ring kagalakan at pag-asa, lungkot at takot ng mga alagad ni Kristo" (Ikalawang Konsilyo Vaticano, GS 1). Sa kanyang doktrinang panlipunan, ginagawang kongkreto ng Simbahan ang pangungusap na ito. At tinatanong niya: Paano natin aakuin ang responsibilidad para sa kapakanan ng lahat at makatarungang pakikitungo sa lahat, kabilang ang mga di-Kristiyano? Ano ang dapat na hitsura ng isang makatarungang pagkakalatag ng magkakasamang pamumuhay ng mga tao, ng pampulitika, pang-ekonomiya at panlipunang mga institusyon? Sa kanyang katapatan sa katarungan, ang Simbahan ay ginagabayan ng isang pag-ibig na batay sa pag-ibig ni Kristo para sa mga tao. [Youcat 438]

This is what the Popes say

Ang Sekretaryo Heneral ng Gobernadado ng Estado ng Lungsod ng Vatican [ay tinawag] upang gampanan ang lahat ng mga tungkulin sa pamamahala na nauugnay sa tanggapan na iyon, upang i-coordinate at subaybayan ang gawain ng iba't ibang kagawaran ng pamamahala ng nabanggit na Gobernador, at upang pangasiwaan ang gawain ng mga nakikipagtulungan at empleyado ng Estado ng Lungsod ng Vatican ... Ang tiyak na likas na katangian ng Apostolic See, na mayroong isang espiritwal at pastoral na misyon na pinapaboran ang Simbahan ng Roma at ang unibersal na Iglesya, ay nagdadala ng isang espesyal na responsibilidad para sa mga naiugnay dito sa pamamagitan ng bono. ng trabaho at tungkulin ng masusing katapatan sa lahat ng mga gawain at tungkulin na nakatalaga nang may kasipagan, propesyonalismo at katapatan sa buhay. [Pope Francis, Letter, 7 Oct. 2013]